Bading na broken hearted nagpakamatay

NAGPATIWAKAL ang isang bading sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner matapos na hiwalayan ito ng kanyang karelasyon kagabi (Oktubre 21).

Nakilala ang biktima na si Juan Baldisimo, 46, nakatira sa 1282 Kagitingan st. Tondo, Maynila.

Ayon kay SPO1 Mario Asilo ng Manila Police District-homicide section, dakong alas-6:00 ng gabi nang matagpuang patay ang biktima sa loob ng Joan Ganda Parlor sa nabanggit ding tirahan ng biktima.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima dakong alas-11 ng umaga at nakita itong kausap ang kanyang ka relasyon na si Sam.

Ngunit bandang alas-6:00 ng gabi ay natagpuan na lamang itong wala nang buhay na nakadapa at may lumalabas na dugo sa kanyang ilong at bibig.

“Sam Edot Sexta, masama ang loob ko sa ‘yo walang utang na loob”, ito naman ang nakasulat sa iniwang sucide note ng biktima kung saan hinala ng pulisya na posibleng hiniwalayan ito  ng kanyang karelasyon kaya dinamdam niya ng husto hanggang sa magpatiwakal.

Tumanggi naman ang pamilya ng biktima na magpa-imbestiga pa sa pulisya sa paniniwalang walang foul play sa pagkamatay ng biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply