Badjao, Ita, Igorot dadagsa sa Kapaskuhan – DSWD

BABABA na naman sa kapatagan ang mga “Igorot, Badjao at mga Aeta” mula sa kabundukan sa panahon ng kapaskuhan  upang manglimos ng pamasko sa Metro Manila at iba pang urban city sa iba’t ibang rehiyon na naging kagawian na ng tinatawag na “indigenous people.”

Bunsod nito ay naalarma na ang Department of Social Welfare and Development, sa mga kakalat na mga manglilimos sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila at iba pang siyudad na dadagdag sa mga problema ng ahensya gaya ng street children at mga taong grasa.

Dahil dito, hiniling ni DSWD Secretary Corazon Soliman sa mga lokal na opisyal na nakakasakop sa mga indigenous people na pigilan ang pagbaba ng mga tao nila sa Metro Manila sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkakakitaan.

Ayon kay Soliman, ang mga pakalat-kalat at mga tumitira sa kalye ay hindi sakop ng Conditional Cash transfer (CCT) Program ng pamahalaan dahil ang kanilang pagkakilanlan ay hindi makumpirma ng ahensya dahil palipat-lipat sila ng tirahan.

Sa survey sa Cordillera na pinanggalingan ng mga Igorot  na naglilimos sa Maynila, ang kumpirmado o dokumentado lamang na mahihirap ay 234,000 sa bilang na 324,000 na pamilya at ang na-validate ng ahensya na mahihirap na pamilya ay 79,816 lamang sa buong rehiyon.

Lumalabas na 47,425 sa mga ito ay indigenous Filipinos, habang 14,760 ang galing sa ibang rehiyon at lumipat lamang doon at isinilang sa lugar.

Hindi naman matukoy ng ahensya kung ilan sa mga indigenous ang bumababa sa Metro manila tuwing kapaskuhan para manglimos.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply