Bagets na nahulihan ng armas may 4 murder cases

MAY apat umanong kaso ng pagpatay o murder ang apat na teenagers na nahulihan ng pulisya ng malalakas na klase ng baril kamakailan sa Quezon City ayon sa ulat ng isang opisyal ng pulisya.

Sinabi ni Chief Inspector Rodel Marcelo, hepe ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit, na dalawa sa mga binatilyo ay nahaharap sa kasong  murder sa Quezon City prosecutor’s office sa pagpatay kay Lobreo Ymata noong Abril 23 at sa pagpatay din kina Napoleon Aquino, Edwin Tating at ang lawyer na si Rizal Cimatu noon namang Setyembre 4. Bineberipika pa ng pulisya ang tunay na edad ng mga suspek.

“We are conducting further investigation to determine if the gang members were also involve in other killings, particularly at Barangay Holy Spirit,” pahayag ni Marcelo.

Ang apat na suspek na pawang miyembro ng Temple Street Trece (TST) ay inaresto noong madaling araw ng Huwebes (Oktubre 27) sanhi ng pagpapaputok ng baril. Nakumpiska sa kanila ng isang Uzi at Ingram machine pistol, isang .40 caliber pistol at isang .38 caliber revolver na isinailalim na sa inquest proceedings noong din araw na nabanggit at ngayon aty nakaditine sa Batasan police station.

Sinabi rin ni Marcelo na nakikipag-koordinayson na sila sa iba pang police station para malaman kung ang mga nakumspikang baril ay ginamit sa iba pang krimen sa lungsod.

May 20 aniyang miyembro ang TST na nakabase sa Barangay Holy Spirit na lugar na pinaghulihan sa kanila.

Noong Setyembre 2010, pinatay ng isang 15-year-old na high school student ang biktimang si Teodora Soner, isang titser sa Manuel L. Quezon High School sa Caloocan City na iniulat na parte ng initiation rite sa pagpasok sa naturang gang.

Sinabi ng ayaw magpakilalang police officer na nagre-recruit ang TST ng mga menor de edad na protektado ng juvenile justice law mula sa mga public schools sa northern Metro Manila. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply