Bagets Nation wagi sa 3rd Digital Filipino Social Networking Awards

ANG patok na youth-oriented series ng TV5, Bagets Nation ay nanalo kamakailan sa 3rd Digital Filipino and Search Profile Index Social Networking Awards sa ilalim ng Forums category. Ito ay binuo ng cast members ng Bagets na sina Nadine Lustre, Rico Dela Paz, Imee Hart, Meg Imperial, Shy Carlos at Josh Padilla

Ipinakita nito ang pinaka-innovative at pinaka-interactive na pamamaraan ng pagpapakilala ng Bagets Nation sa mga tao sa pamamagitan ng isang naiibang forum site na nakapaloob sa Facebook. Ito ay kung saan ang mga Bagets characters ang mismong nakikisalamuha sa mga fans sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga tanong gamit ang kani-kanilang Facebook account.

Ang mga tanong ay pinapalitan tuwing linggo at nakadepende sa pinalabas na Bagets episode. Nagtataglay din ito ng timeline ng first season, quotes at iba pang Bagets Nation stuff na maaaring i-share at ma-enjoy ng mga fans.

Ayon kay Carlo Ople ng TV5 New Media, “May mahigit 15,000 interactions na naitala sa Bagets Nation site at sa iba’t ibang Facebook pages ng Bagets. Ang isa nga sa mga tanong sa Bagets Nation site ay nagkaroon ng halos 3,500 comments.”

Ang TV5 ay patuloy na naghahandog ng epektibong pamamaraan upang makilala ng mga fans ang kani-kanilang paboritong characters at TV5 idols.

Ang Bagets Nation ay mapapanood tuwing Linggo sa TV5. Ag Bagets Nation forum ay maa-access sa www.bagetsnation.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply