Bagong district director sa Maynila itinalaga

ITINALAGA na ngayon ng Philippine National Police –National Capital Region Police Office ang bagong district director sa lungsod ng Maynila kapalit ng magreretirong si District Director P/Chief Supt Roberto Rongavilla.

Ito ang kimupirma ni Manila Mayor Alfredo Lim at sinabing si Sr.Supt. Alexander Guttierez, na dating Deputy District Director for Administration ang hahalili kay Rongavilla.

Bagama’t hindi pa lubusang Director ng MPD si Supt. Guttierez, hangga’t hindi bumababa ang “estrella” nito sa balikat ay mananatili pa rin itong officer-in-charge (OIC).

Kaugnay nito, sa kanyang pamamaalam sa MPD ay pinasalamatan ni Rongavilla si Lim at ang lahat ng “men in uniform” maging ang miyembro ng media na nagbigay ng suporta sa panahon ng kanyang panunungkulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply