Bagong edisyon ng pera ilalabas ng BSP sa Pasko

MAGLALABAS ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng 100 milyong piraso ng bagong edisyon ng pera ngayong Pasko.

Ayon sa BSP, ang isang daang milyong piraso na bagong edisyon ng pera ay bahagi sa una nang naimprentang 300 milyong piraso na naipakalat na sa buong bansa.

Iniimprenta naman ang mga bagong pera ng Pilipinas sa bansang France kung saan inaasahan na sa katapusan ng 2012 ay makakapag-imprenta na rin ang BSP sa bansa ng “new generation currency.”

Bagamat maraming mali sa disenyo ng bank note, sinabi naman ni  BSP Governor Diwa Gunigundo,  na mas maraming disenyo at kulay ang pera ngayon ng BSP kumpara sa bansang Europe.

Katunayan ay itinanghal na ring isa ito sa pinakamagandang pera sa buong mundo at pinarangalan din ang disenyo at features ng bagong bank notes kung saan nag-runner up sa 2011 Currency Conference sa Singapore ngayong buwan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply