Bagong kolektor ng BOC tinabla ng mga negosyante

TACURONG CITY, Sultan Kudarat– Hindi pabor ang ilan sa mga opisyales ng General Santos City Chamber of Commerce and Industry (GCCCI) ang paglalagay ng bagong Customs collector sa lungsod, sa katauhan ni Lowell Medija.

Batay sa ulat ng isang negosyanteng si Engr. Manny Yaphuckon at direktor ng GCCCI, nahaharap sa mga kasong kriminal at administratibo si Lowell Medija kaugnay sa isang smuggling sa Cagayan de Oro City.

Ikinagulat ni Yaphuckon kung bakit inilagay sa posisyon si Medija gayung hindi pa ito abswelto sa mga kasong isinampa laban sa kaniya.

Nahaharap din sa kaso ng mga katiwalian si Medija dahil sa hindi nito pagdeklara ng kanyang mga ari-arian.

Kaugnay nito, nananawagan na lamang ni Yaphuckon sa publiko na maging mapagbantay.

Inaantay naman ng grupo ng negosyante ang magiging paliwanag ni Medija sa mga alegasyon laban sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply