Bagong labas sa mental hospital, nagbigti sa puno

MAKAPAL na lubid ang ipinambigti ng isang lalaking halos kalalabas pa lamang ng mental institution sa Quezon City kaninang umaga.

Ang bangkay ng biktimang si Eduardo Abrera, 46-anyos ay natagpuang nakabitin sa sanga ng isang puno ng guyabano sa Barangay Kaingin dakong alas-6:00 ng umaga.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Erlinda, nabubugnot na ang kanyang kapatid simula ng lumabas ito ilang araw na ang nakalilipas sa Mandaluyong City Mental Hospital.

Sinabi pa ni Erlinda na ito na ang ikatlong pagtatangkang magpakamatay ng kanyang kapatid na ang unang dalawa ay naagapan nilang hindi mangyari.

Bago ang pagpapakamatay, sinabi ni Erlinda na gusto ng kanyang kapatid na maturukan ng pampakalma pero hindi na ito nakapaghintay pang maibalik siya ng ospital.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply