Bagong LPA, namataan ng PAGASA

ISA na namang Low Pressure Area (LPA) ang namataan sa Karagatang Pasipiko sa Hilagang bahagi ng Guam at patuloy na umuusad pa-Kanluran.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mababa ang posibilidad na mabuo ito bilang ganap na bagyo.

Una nang sinabi ng PAGASA na inaasahan ang tatlo hanggang apat na bagyo pa ang papasok sa Pilipinas bago matapos ang taong 2011.

Sa ngayon, makararanas ng magandang panahon ang malawakang bahagi ng Pilipinas maliban sa Mindanao na nakararanas ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ayon kay Science and Technology Undersecretary Graciano Yumul, kung susuwertihin, apat na bagyo na lamang ang tatama sa bansa na papangalanang Sendong, Tisoy, Ursula at Weng.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply