Bagong sama ng panahon namataan ng PAGASA

HINDI pa man nakakaahon ang bansa sa kalamidad na dinanas dahil sa nagdaang bagyong Pedring at Quiel, isa na namang sama ng panahon ang namataan sa Silangang Visayas iniulat ngayon ng PAGASA.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan ang low pressure area (LPA) sa layong 560 kilometro ng Silangang Visayas, 2:00 ng hapon kanina.

Sinabi ni Buddy Javier, weather forecaster ng PAGASA, sa sandaling makapasok sa Philippine Area of Responsibility ang naturang sama ng panahon ay papangalanan itong bagyong Ramon.

Idinagdag pa ni Javier na kung magiging ganap na bagyo ang LPA, ito na ang pang-18 bagyo na dumaan sa bansa na ang pinakahuli ay ang bagyong Quiel at Pedring.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply