Bagong silang na sanggol natagpuang patay sa bag

NAKASILID sa kulay itim na shoulder bag ang wala nang buhay na bagong silang na sanggol nang matagpuan ng isang senior citizen sa tapat ng SM Hypermart sa Vitas,Tondo, Maynila kaninang umaga.

Ayon kay PO3 Amelito Lopez, dakong alas-8:15 ng umaga nang madiskubre ni Florides Lico , 64, balo, at residente ng Paradise Side, Road 10, Vitas, ng lungsod, ang isang kulay itim na shoulder bag sa tapat ng nasabing grocery store.

Sa pag-aakalang mapakikinabangan ang bag ay kanya itong dinampot. Laking gulat ni Lico ng buksan ang bag ay tumambad sa kanya ang bagong silang na babaeng sanggol.

Agad na ipinagbigay-alam ni Lico sa chairman ng Barangay 128 Zone 3, District 1 na si Bobby Hernale na siya namang nagreport sa pulisya.

Dinala na ang bangkay ng baby sa Cruz Funeral Parlor para sa safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply