Bagong tulay itinayo sa loob ng 8 araw

WALONG araw lamang tinapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isang bagong tulay kapalit ng winasak ng bagyong “Pedring” na naghiwalay sa mga bayan sa Ifugao Province na Lagawe, Hingyon, Hungduan, Banaue at Mayoyao.

Binuksan na noong Oktubre 12 ang Burnay detour bridge sa mga motorista at matamang binabantayan ng DPWH at Ifugao 1st District Engineering Office ang tulay na maaari lamang daanan ng mga sasakyang hanggang 10 tonelada ang bigat.

Itinayo ang bagong tulay sa tabi rin ng bumagsak na Burnay bailey bridge na bumigay sanhi ng malalakas na ragasa ng ilog at hampas ng bagyo noong Setyembre 27 kung saan nalagay ang lalawigan ng Ifugao sa signal no.3.

Dagliang ipinag-utos ni DPWH Sec. Rogelio Singson sa Presidents Bridge Program Office-CAR Regional Office at Ifugao 1st District Engineering office ang pagsasamang puwersa sa puspusang paggawa ng detour bridge na natapos agad sa loob lamang ng walong araw. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply