WLO kukuwestiyunin sa SC ng mga Arroyo

NAKATAKDANG kuwestiyunin sa Korte Suprema ng kampo ni dating first gentleman Mike Arroyo ang pinalabas na watch list order (WLO) sa kanila ng Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Atty. Mike Arroyo, hindi lamang ang pagkakasama ng dating unang ginoo sa watch list ang kanilang kukuwestyunin kundi mismong ang circular hinggil sa pagpapalabas ng watch list.

Tinawag pa ni Topacio na “cruel” at hindi makatao at kawalan ng compassion ang pinalabas na watch list order lalo’t may balak si Atty. Arroyo na samahan ang asawang si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa pagpapagamot sa ibang bansa.

Dapat umanong tandaan ni Aquino na noong panahon ng Martial Law ay pinayagan ang pamilya nito na makaalis ng bansa para ipagamot ang amang si dating Senador Ninoy Aquino sa Amerika.

Buwelta pa ni Topacio na panibagong harassment na naman sa mga Arroyo ang panibagong watch list order na inisyu ng DOJ.

Samantala, ipinagtanggol naman ng DOJ ang panibagong watchlist na ipinalabas laban sa mga Arroyo at mahigit 30 iba pang sangkot sa electoral sabotage.

Katwiran ni Justice Secretary Leila De Lima, hindi pa naman idinideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang Departament Circular Number 41 na nagbibigay kapangyarihan sa DOJ na magpalabas ng watch list order at hold departure order.

Ayon kay De Lima iginagalang niya ang mga pagpuna na ibinabato laban sa kanila matapos ang panibagong watch list order na pinalabas kontra sa mag asawang Arroyo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply