Bagyong ‘Ramon’ patuloy na bumabagal

PATULOY na bumabagal ang takbo ng bagyong “Ramon” habang tinatahak ang West Philippine Sea.

Batay sa latest forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 80 kilometro kanluran, hilagang-kanluran ng San Jose, Occidental Mindoro.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro malapit sa gitna. Kumikilos pa rin ito ng pahilagang kanluran sa bilis na 11 kilometro kada oras.

Nakataas pa rin ang signal number 1 sa mga sumusunod: Marinduque, Mindoro Provinces, Lubang Island, Romblon, Southern Quezon, Northern Palawan, Calamian Group of Islands, Cavite, Laguna, Batangas, Bataan, Southern Zambales at Metro Manila.

Bukas ng umaga, ang sentro ng bagyo ay inaasahang nasa 240 kilometro sa kanluran timog kanluran ng Iba, Zambales. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply