Bagyong ‘Ramon’ tatama sa Surigao bukas

NAGBABALA ngayon ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na tatama na bukas (Oktubre 11) ang tropical depression “Ramon” sa Surigao.

Tuluyan ng naging active low pressure area (ALPA) ang namumuong sama ng panahon na nasa layong 680 kilometro silangan ng Mindanao.

Sinabi ngayong umaga ni Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Graciano Yumul, sa loob ng 24 oras ay magiging tropical depression na ang LPA at tatawaging “Ramon” kapag pumasok sa Philippine area of responsibility.

Inaasahang papasok bilang bagyo si “Ramon” sa Martes sa Surigao lalo na sa bahagi ng Dinagat Island.

Ibinabala rin ni Yumul ang malakas na ulang dala ni “Ramon”  sa araw ng Huwebes.

Dadaan umano ang tropical depression sa bandang Visayas at lalabas sa Coronadal, Palawan sa araw ng Biyernes.

Dagdag pa umano sa magpapalakas sa ulan ang La Niña phenomenon at inter-tropical convergence zone (ICTZ) na nakakaapekto ngayon sa Luzon at Visayas.

Malaking tsansa umano na maging ganap na bagyo ang LPA sa Mindanao base sa mga numerical models at katunayan base sa Japan Meteorological Agency ay isa na itong tropical depression. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply