Bagyong ‘Ramon’ umaatake na

NAGSIMULA ng umatake ang bagyong Ramon habang papalapit na sa Silangang Visayas at Hilagang-Silangang Mindanao.

Sa paunang ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa layong 360 kilometro silangan, timog-silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Taglay ang lakas ng hangin umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna, tinatahak nito ang direksyon pakanluran, hilagang-kanluran sa bilis na 17 kilometro kada oras.

Ngayong umaga, ang bagyong “Ramon” ay inaasahang nasa layong 100 kilometro hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur o 90 kilometro Hilaga ng Cebu City bukas ng umaga.

Ayon kay PAGASA-DOST Usec. Graciano Yumul, nakataas na ang signal No. 1 sa Eastern Samar, Western Samar, Leyte Provinces, Bohol, Biliran, Camotes Island, Surigao del Norte, Siargao Island, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Island at Camiguin Island.

Nasa dagat na umano ang bagyong “Ramon” at habang papalapit ay magtataas na umano ng signal.

“Lalapad pa siya at 300km sa ngayon ang kanyang diameter. Inaasahan nating lalakas pa siya. May nakikita rin tayong posibleng maging isa pang LPA,” pahayag ni Yumul.

Muli namang nagbabala ang PAGASA sa mga residente na nasa low lying areas at mga bulubunduking lugar na mag-ingat sa posibleng flashfloods at landslides dulot ng mga pag-ulan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply