Bagyong ‘Quiel’ humina na

MATAPOS manalasa sa Northern Luzon, humina ang bagsik ng bagyong “Quiel” habang pumapasok naman ang isa pang low pressure area (LPA) sa bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang bagyo ay nasa 200 kilometro sa kanluran ng Baguio City kaninang alas-4:00 ng madaling araw.

Nasa 130 kilometro kada oras naman ang lakas ng hangin nito malapit sa gitna habang ang pagbugsong hangin ay nasa 160 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyong “Quiel” ng pakanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Inaasahan na mamayang hapon pa makalalabas ng Philippine area of responsilibity (PAR) si “Quiel” dahil sa pagbagal nito.

Signal number 1 na lamang ang umiiral sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Benguet, Zambales at Pangasinan.

Sinabi naman ni Department of Science and Technology (DOST) Usec. Graciano Yumul, inaasahang sa araw ng Martes ay papasok ang tropical depression na tatawaging bagyong “Ramon.”

Binabantayan naman ngayon ng PAGASA ang papasok na bagyo na nasa layong 700 kilometro sa silangan ng Kabisayaan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply