Bagyong ‘Ramon’ bumilis habang nasa West Philippine Sea

BAHAGYANG bumilis ang bagyong Ramon at napanatili ang lakas habang nasa West Philippine Sea (South China Sea), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Huling namataan ang sentro ng bagyong Ramon sa layong 195 kilometro Kanluran Hilagang-Kanluran ng San Jose, Occidental Mindoro na taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna.

ITo ay kumikilos pa-Hilagang Kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras at tinatayang nasa 310 kilometro Kanluran ng Iba, Zambales bukas ng umaga (Oktubre 14).

Sa limang lalawigan na lamang nakataas ang signal number 1 na kinabibilangan ng Mindoro Oriental at Occidental, Lubang Island, Northern Palawan at Batangas.

Sinabi ng PAGASA na inaasahang magiging maganda na ang panahon sa bansa sa Sabado o Linggo.

BAse pa sa ahensya, tinatayang nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo bukas ng gabi o sa Sabado ng umaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply