Bagyong ‘Ramon’ humina; ibang lugar ibinababa ang signal

BAHAGYANG humina ang bagyong Ramon ng tumama sa kalupaan ang sentro ng bagyo.

Ayon sa PAGASA pagtama ng mata ng bagyo sa Southern Leyte ay unti-unti itong tumama dahil eksakto itong bumangga sa isang bundok.

Nagbaba kaagad ng storm signal ang naturang ahensiya sa ilang lugar na dati-rati ay kasama sa signal no. 2. Nakataas parin sa signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar: Marinduque, Mindoro Provinces, Romblon, Camarines Sur, Southern Quezon, Catanduanes, Albay, Burias Island, Sorsogon, Ticao Island, Masbate, Coron Island, Samar Provinces, Leyte Provinces, Cebu, Bohol, Panay Island, Guimaras, Negros Provinces, Siquijor Island, Agusan del Norte, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Island at Siargao Island.

Ang bagyo ang may lakas na lamang na 55 kph at kumikilos sa bilis na 15 kph patungong Panay Islands at inaasahang lalabas ng bansa sa biyernes.

Samantala patuloy nagbabala ang NDRRMC na huwag muna maglayag ang anumang sasakyan pandagat para makaiwas sa sakuna.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply