Bagyong Ramon nagdulot ng baha, landslides sa Visayas, Mindanao

ILANG pamilya sa Visayas at Mindanao ang inilikas sa kanilang kabahayan simula kahapon (Oktubre 11) dahil nagdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa ang bagyong Ramon.

Sa kanilang ulat kaninang alas-6:00 ng umaga, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na ang mga pagbaha ay naganap sa Manaba River at Garcia-Hernandez, Bohol at Cagayan de Oro kung saan anim na kabahayan ang nasira at 270 pamilya ang inilikas.

Binaha rin ang ilang bahagi ng Misamis Oriental: Malanang at Igpot sa Opol (hanggang tuhod ang lalim), Zones 1, 2, 2B at 3, Barangay Amoros, El Salvador City.

Sa Cebu, 11 pamilya mula sa San Francisco, Camotes Island ang pansamantalang tumuloy sa San Francisco Elementary School sanhi ng walang humapay na pag-ulan.

Samantala, hindi naman madaanan ang kalsada nang gumuho ang lupa sa Brgy. Pancho Villa pero wala namang naiulat na kaswalidad o danyos sa inisyal na ulat.

Inilikas na rin ang ilang residenteng malapit sa karagatan sa Cebu kabilang ang binahang lugar sa Mandaue na idineklarang nasa ilalim ng state of calamity.

Iniulat din ng NDRRMC ang pagpapakawala 40 porsiyentong ipon na tubig sa mini-hydro dam sa Sevilla, sanhi ng patuloy na pag-ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply