Bagyong ‘Ramon’ palabas na ng bansa

HABANG lumalabas na ng bansa ang bagyong “Ramon,” binabantayan naman ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low pressure area (LPA) na posibleng maging bagyo at inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Miyerkules.

Ayon kay Department Science and Technology (DOST) Undersecretary Graciano Yumul, apat na bagyo pa ang tatama sa bansa bago matapos ang taon na papangalanang Sendong, Tisoy, Ursula at Weng.

Ipinahayag pa ni Yumul na tuluyan nang lalabas ng PAR ang bagyong “Ramon” ngayong alas-9:00 ng umaga.

Huli itong namataan sa layong 350 kilometro hilaga ng Metro Manila taglay ang lakas ng hanging 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.

Bahagyang magiging maulap ang Luzon at Western Visayas na may kalat-kalat na pag-ulan.

Samantala, umabot na sa walong katao ang namatay dahil sa pananalasa ng bagyong “Ramon” sa bansa.

Sa huling monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mula sa pitong katao, nadagdagan pa ng isa ang namatay na kinilalang si Francis Rodeo, 9, nakatira sa Cajidiocan Romblon na nalunod sa ilog sa kasagsagan ng bagyo.

Dalawa pa rin ang nawawala  mula sa Iloilo at Bohol at patuloy na pinaghahanap ngayon ng mga rescuers.

Kaugnay nito nasa mahigit 1, 000 pamilya na rin ang nakauwi na ngayon sa kani-kanilang tahanan matapos pansamantalang manatili sa mga evacuation centers. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply