Bahagi ng hinoldap na P8-M nabawi ng CIDG

NAREKOBER ng elemento ng PNP  Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang P3.8 milyon na bahagi ng  P8 milyong pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sinasabing hinoldap sa Tacloban City.

Narekober ang pera matapos maaresto ang mga sinasabing kasabwat sa panghoholdap na sina PO3 Arnulfo Boco ng Ormoc City Police, Justino Guco na driver ng hinoldap na sasakyan ng DSWD, Johnny Agcang alyas John-john at isang alyas Zaldy.

Ikinanta ng drayber na kasabwat siya sa insidente at bago aniya nangyari ang panghoholdap, nagkainuman pa sila ng mga kasabwat.

Aminado naman ang nahuling pulis na kasama siya sa pagpaplano pero hindi aniya sa panghoholdap.

Iniiwan lang aniya sa kanya ng mga suspek ang pera.

Tinutugis ngayon si alyas Zaldy na pinaniniwalaang tumangay sa tinatayang P4 milyon.

Aminado naman ang DSWD Regional Office 8 na nagkaroon ng lapses ang kanilang Management Division Chief na si Vilma Aguilar sa nangyaring holdapan.

Una nang iniuwi ni Aguilar ang P8 milyong pondo para sa Food for Work program ng DSWD at idedeposito sana nito sa bangko kasama ang drayber na si Guco pero hinoldap habang bumabaybay sa highway.

Dito lumutang ang anggulong hold-up me ang nasabing kaso kaya nagduda ang mga imbestigador at nagsimulang busisiin ang kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply