Bahagi ng Makati mawawalan ng tubig

NAGPALABAS na ng anunsiyo ang Manila Water na mawawalan ng supply ng tubig ang ilang bahagi ng lungsod ng Makati sa darating na Sabado at Linggo.

Nakatakdang mawalan ng tubig sa pagitan ng 10:00 ng gabi ng Sabado hanggang 4:00 ng madaling araw ng Linggo ang mga residente ng mga sumusunod na lugar:

Makati Central Business District
Bel-Air
Urdaneta
Rockwell
San Lorenzo
Ayala Center
Estrella
Barangay Guadalupe Viejo

Pinapayuhan ng Manila water ang mga residente na mag-imbak ng sapat na tubig.

Nabatid na may ilalagay na split tee ang kompanya para sa interconnection sa dating tubo nito para lalong gumanda ang kanilang serbisyo sa kanilang mga consumers.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply