Bahay ng ex-mayor pinasok ng kawatan

NILUSOB ng mga kawatan ang pamamahay ni Lino O. Montilla, dating alkalde ng Tacurong City, bandang alas-5:00 ng umaga kanina sa may Purok Duranta, Barangay New Isabela sa nasabing lungsod.

Natangay sa loob ng pamamahay ni Montilla ang isang unit ng Nokia N-95 na nagkakahalaga ng P30,000.00, cherry mobile phone na nagkakahalaga ng P2,000.00, necklace gold na may kasamang pendant P12,000.00.Tinatayang umaabot saP45,000.00 ang halaga ng mga natangay ng mga kawatan.

Sa likurang bahagi ng bahay ni Montilla dumaan ang mga kawatan at sinira ng mga salarin ang bintana ng nasabing bahay.

Patuloy pa rin ang nasabing imbistigasyon kaugnay sa serye ng nakawan sa lungsod. Benjie Caballero

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply