Balak bumalik sa Libya binalaan ng POEA

NAKIUSAP sa publiko ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga may planong bumabalik na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Libya sa kabila ng deployment ban ng pamahalaan.

Sinabi ni POEA Administrator Carlos Cao, Jr., inihayag nito na igalang na lamang ng publiko ang ipinalabas na ban ng pamahalaan dahil para rin naman ito sa kanilang seguridad.

Sa ngayon kasi ay nakataas pa rin ang Alert Level 4 status sa Libya dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa lugar.

Kasabay nito, pinayuhan ni Cao ang nagbabalak magtungo sa nasabing bansa na huwag nang isugal ang kanilang buhay at makipagsapalaran doon.

Isinagawa ang pahayag nang may ilang Pinoy ang nakararating sa Libya sa pamamagitan ng pagtawid sa Tunisian Border.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply