Balasahan ng MPD officials epektibo bukas

EPEKTIBO na bukas ang balasahan ng ilang matataas na opisyal sa hanay ng Manila Police District (MPD).

Ito ang kinumpirma ni Media Bureau Chief at Manila City hall Chief of Staff Ric de Guzman.

Ani De Guzman, pinirmahan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang rekomendasyon ng board na itinalaga ni MPD Director C/Supt. Roberto Rongavilla para sa mga bagong pwesto ng station commanders.

Itinalagang hepe ng MPD-Station 1 si Supt. Rolando Tumalad na dating hawak ni Supt. Wynn Marcos.

Sa station 2 naman ay ipinupwesto si Supt.Jemar Modequillo habang nanantili naman sa puwesto si Supt. James Afalla ng Station 3.

Si Supt. Rolando Balasabas sa PS-4, sa PS-5 si Supt. Ricardo Layug, PS-6 si Supt. Remigio Sedanto at nanatili sa dating istasyon sa PS-7 si Supt. Ernesto Barlam.

Nailipat sa PS-8 mula PS-5 si Supt. Frumencio Bernal, si  Supt. Dominador Arevalo na ang hepe ng PS-9 na dating puwesto ni Sedanto at si Supt. Marcos ay itinalaga sa PS-10 at nanatili pa rin sa PS-11 si Supt. Ferdinand Quirante.

Apektado naman sa balasahan ang ilang police community precincts (PCP) sa University Belt na pamumunuan ni Major Johnny Gaspar at PCP-Dagupan na pamumunuan ni Maj. Rolando Lorenzo.

Naniniwala si Mayor Lim na ang ginawang balasahan sa MPD ay tungo sa mas epektibong serbisyo para sa mga Manilenyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply