Baldoz umapela sa mga employer

UMAPELA ngayon si Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa mga employer kaugnay sa kanilang mga manggagawa na nasalanta ng bagyong “Pedring” at “Queil.”

Ayon sa kalihim, dapat maunawaan at magmalasakit ang mga employer sa kanilang mga trabahador na hindi pa rin nakakapasok sa kanilang mga trabaho dahil sa magkasunod na bagyo.

Karamihan aniya sa mga ito ay binaha at halos lumubog na sa tubig ang knilang mga bahay na kinakailangang isaayos ng mahabang panahon upang makabalik sa normal nilang mga buhay.

Kaugnay nito, inatasan na rin ng kalihim ang quick reaction teams ng Labor Department upang alamin kung anong tulong ang maaring ipagkaloob ng kagawaran sa mga manggagawang nabiktima ng bagyo partikular na ang malawakang pagbaha.

Gayunman, naglaan naman ng inisyal na pondong P3 milyon ang Department of Labor and Employment (Dole) para sa emergency employment sa apat na bayan ng Bulacan na lubhang naapektuhan ng magkasunod na bagyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply