Banana plantation sinunog ng NPA

TINATAYANG P5 milyon ang tupok na ari-arian makaraang sunugin ng New People’s Army (NPA) ang planta ng Sumifru Corp. makaraang mabigo umano itong magbigay ng revolutionary tax sa Barangay Laak, Compostela Valley province kaninang alas-4:30 ng madaling araw.

Nabatid na sinunog ng may 25 rebelde ang packing plant ng kompaniya, dalawang mga water tanker, generator set at ang radio room.

Bago sunugin ang naturang planta, dinis-armahan muna ng mga rebelde ang mga guwardya ng kompaniya kung saan umaabot sa pitong mga armas ang natangay na kinabibilangan ng apat na .38 kalibreng revolver at tatlong mga shot gun.

Kaagad namang tumakas ang mga rebelde matapos maisagawa ang panununog.

Pinaniniwalaan na ang kabiguan ng Sumifru na magbigay sa hiling ng mga NPA na revolutionary tax ang dahilan ng pagsalakay sa banana plantation.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply