Bangkay naapakan ng mangingisda

NAGIMBAL ang isang mangingisda nang maapakan ang isang bangkay ng lalaki na may saksak sa dibdib sa baybayin ng Navotas kaninang umaga.

Nakilala ang biktima na si Richo Villacampa, 28, ng Lapu-Lapu, North Bay Boulevard North ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga, dumaong ang mga mangingisda sa Market 3, Navotas Fish Port ng lungsod at nagbabaan.

Isang mangingisda na hindi na nakuha ang pangalan ang nakaapak sa matigas na bagay sa tubig at nang siyasatin ay laking gulat na katawan pala ng tao ang naapakan.

Pinagtulungang iahon ng mga mangingisda ang bangkay at agad na inireport sa pulisya ang nakita.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply