Bangkay ng lalaki sa Iloilo sinapian ng Kapre?

HALOS dalawang linggo nang patay ang isang lalaki dahil sa bangungot ngunit sa halip na maagnas ang kanyang bangkay ay lumalaki pa ang katawan nito na pinaniniwalaan ng mga residente sa Iloilo na sinapian ng “Kapre.”

Bukod sa paglaki ng katawan, nagbago rin umano ang kulay ng balat ng bangkay ni Elvis Tamagos, 31, ng Barangay Bato, Tubungan na naging sobrang maitim.

Ipinagtataka rin ng tatay ni Elvis na si Silvino, 63, kung bakit nagtayuan ang buhok ng biktima sa kanyang ulo.

Namatay dahil sa bangungot ang kanyang anak noong Setyembre 25, 2011 pero dahil malayo sila sa kabisera ng bayan ay hindi na nila nadala ang bangkay nito at sa halip ay ibinurol na lamang sa kanilang bahay.

Ngunit simula umano noon ay napansin na nila ang ilang pagbabago sa anyo ng kanyang anak.

Dahil walang maibigay na paliwanag ang health officials sa nabanggit na bayan, naniniwala naman si Mang Silvino na kinuha ng isang Kapre ang kaluluwa ng kanyang anak at ginamit ang  katawan para sa hindi pa malamang dahilan.

Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy pa ring lumalaki ang katawan ni Tamagos at wala pa ring paliwanag ang lokal na pamahalan sa nabanggit na kababalaghan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply