Bangkay ng sanggol tinangkang i-flush sa inodoro

BUKOD sa inabandoda ay tinangka pang i-flush sa inidoro ang wala nang buhay na sanggol sa isang kilalang restaurant sa Naga City kaninang umaga.

Sa ulat ng Naga City Police Office, pasado alas-9:00 ng umaga nang makita ng isang nagngangalang Roderick Dematera, waiter ng Master Square food court sa sahig ng kubeta ang sanggol na lalaki na nakabalot sa lampin.

Hinala ni Dematera na tinangka pang i-flush ang sanggol sa inodoro dahil basang-basa ng tubig ang lampin nang kanyang madiskubre ang bangkay ng sanggol.

Aniya, hindi marahil nagkasya ang sanggol sa inodoro kaya iniwan na lamang ang bangkay nito sa sahig ng banyo.

Sa ikinasang awtopsiya ni City Health Officer Dr. Butch Borja, may pitong buwan na ang sanggol na pinaniniwalaang apat hanggang pitong araw na ring patay.

Ipinalibing naman ng may-ari ng restaurant ang patay na sanggol sa Naga City public cemetery para sa ikatatahimik ng kaluluwa nito.

Habang isinsulat ang balitang ito, hindi pa matukoy ng awtoridad kung sinong walang awang nag-abandona sa kaawa-awang sanggol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply