Bangkay ng titser umalingasaw

DAHIL sa mabahong amoy ay nalaman na patay na pala ang solterang titser sa Caloocan City Biyernes ng gabi (Setyembre 30.)

Naaagnas na ang katawan ni Myrna Aricite, 61, teacher sa Bagong Barrio Elementary School at residente ng Gen. Malvar sa nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi, nakaamoy ng mabaho ang mga kapitbahay ng biktima na naging dahilan upang tuntunin ang pinagmulan nito.

Pagtapat sa bahay ng biktima ay lalong lumakas ang amoy na naging dahilan upang sapilitang buksan ang pinto hanggang sa tumambad ang bangkay ng titser.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang ikinamatay ng biktima. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply