Bangungot sa mga sikret

WALANG lihim na ‘di nabubunyag, sabi ng lolo ng lolo ko.

Kung masama ang amoy ng inililihim, aalingasaw at aalingasaw din.

Kung may bango naman ang inililihim, hahalimuyak at hahalimuyak din.

Muling napatunayan ang katotohanan ng kasabihang ito kaugnay ng nagaganap na kaguluhan sa Mindanao.

oOo

Ilang buwan lang ang nakararaan, nagulat ang lahat nang makita si PNoy na nakikipagmiting sa Tokyo, Japan kay Moro Islamic Liberation Front chief Al Haj Murad Ibrahim.

Umuwi ang dalawa na baon-baon ang posibilidad ng pagtatag ng sub-state para sa mga erya na gustong sakupin ng MILF.

Itong sub-state ay may basbas pa yata ng ambasador ng WikiLeaks, este, ni Uncle Sam na si Ateng Kristie K.

Eh walang nangyayari hanggang sa may sunod-sunod nang patayan sa pagitan ng mga sundalo at MILF.

Habang may patayan,  biglang sumingaw ang pagbibigay umano ni PNoy kay Murad ng P5 bilyon.

Nagulat uli si Juan dito.

Lalo’t tila ginamit umano ang bahagi ng P5B na yan sa pagbili ng mga malalakas na armas na ginamit sa pantodas sa 19 na special forces ng Philippine Army sa Basilan.

oOo

Ano sa palagay ninyo ang amoy ng mga sikret na ito, huh?

Namamaho ba o humahalimuyak?

Ang masasabi natin, Suki, panahon nang pairalin ni PNoy ang transparensi.

Kahit usapin ng pambansang seguridad ang problema sa MILF, dapat na hayaang lumahok si Juan sa usapan.

Por eksampol sa P5B na ibinigay umano ni PNoy kay Murad.

Aba, may interes si Juan diyan dahil nanggaling ang halaga sa kanyang buwis.

Eh kung totoong ipinambili ng MILF ng armas ang salapi, paano yan, huh?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply