Bangus, tilapia nanganganib na kapusin

MALAKI ang posibilidad na kapusin ang suplay ng bangus at tilapia at lalo pang tumaas pa ang presyo ng mga ito.

Batay sa pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang pagsirit sa presyo ng isda ay matapos ang pananalasa ng bagyong “Pedring” at “Quiel” sa mga palaisdaan sa Central Luzon.

Sinabi ng BFAR na aabot sa 80 porsiyento ng mga palaisdaan sa Central Luzon ang winasak ng dalawang nagdaang mga bagyo dahil sa malawakang pagbaha.

Karamihan ng mga suplay ng Bangus at tilapia sa Metro Manila ay nagmumula sa mga palaisdaan sa Gitnang Luzon.

Bukod pa rito hindi maibyahe ang mga isda bunga ng mga baradong daan kaya nagkakaroon na ng kakulangan ng suplay nito.

Unang inihayag  ng Department of Trade and Industry (DTI) na nahihirapan ang mga mangangalakal na umangkat ng paninda patungong Metro Manila kung kaya nagkaroon ng pagtaas ng presyo sa gulay at isda. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply