‘Bar ops’ sa bar exam bawal na

IPINAGBABAWAL na ng Supreme Court  (SC)  ang festive celebrations o mas kilala na “bar operations” sa  araw ng 2011 bar examination sa University of Santo Tomas  (UST), Maynila sa darating na buwan ng Nobyembre.

Sa statement, sinabi ng SC  na anumang uri ng “bar ops”  katulad ng paglalagay ng steamers, sendoffs at cheering squads ay ipinagbabawal sa bisinidad ng UST sa araw ng pagsusulit na may petsang Nobyembre 6, 13, 20 at 27.

Inanunsyo ang ban sa “bar ops” ni Supreme Court Bar Confidant and Deputy Clerk of Court Atty. Cristina Layusa sa isang bar briefing sa superintendents at supervisors ng bar exams sa SC Old session hall.

“To maintain peace and order during the Bar examinations, she said that the Court will be assisted by uniformed police and plainclothes agents of the National Bureau of Investigation,” ayon sa korte.

Gayunman, sinabi naman ni 2011 Bar Chairperson Justice Roberto Abad na titiyakin ng kapulisan na ang apat na kalye sa paligid ng UST (Dapitan, P. Noval, Espana Blvd. at Lacson Avenue) ay mananatiling bukas sa trapiko.

Ang “bar ops” ay isang tradisyon ng school organizations at fraternity groups upang ihayag ang kanilang pagsuporta para sa bar examinees.

Naglalagay ang mga organizers ng tents, gumagamit ng malalakas na sound systems at  bumubuo ng ibang paraan ng hoopla kabilang ang pagpa-party sa kalsada.

May 6,200 law students ang inaasahang kukuha ng bar exam ngayong taon sa UST, ang bagong venue ng pagsusulit.

Ang paglilipat ng venue ng bar exams ay bunsod na rin ng naganap na aksidente noong nakalipas na taon sa harapan ng De La Salle University (DLSU) sa Maynila.

Matatandaan na 40 katao ang nasaktan at nasugatan nang may sumabog sa labas ng nasabing unibersidad habang isinasagawa huling araw ng bar exam noong Setyembre 26, 2010.

Nakilala naman ang isang biktima at law student na si Raissa Laurel na naputulan ng isang paa  matapos  ang pagsabog. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply