Barangay kagawad utas sa riding-in-tandem

LIMANG tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang barangay kagawad matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem kagabi (Oktubre 28) sa Ilocos Sur.

Nakilala ang biktimang si Rodolfo Castillo Parbo, 50, kagawad ng Maas-asin, Magsingal, Ilocos Sur.

Tumakas naman ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Base sa imbestigayson ng Magsingal PNP, nabatid na dakong alas-8:06 ng gabi naganap ang krimen habang naghihintay ng pasahero si Parbo sa paradahan ng tricycle sa Barangay San Lucas sa Magsingal.

Nakaupo umano ang biktima sa tricycle nang bigla na lamang itong lapitan ng mga suspek na riding-in-tandem at pinagbabaril ng dala nilang .45 kalibre ng baril sa ibat ibang parte ng katawan.

Inaalam naman ng pulisya ang motibo sa pamamaslang sa biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply