Brgy. Kapitan itinumba ng mga holdaper

ISANG punong barangay ang pinatay matapos itong holdapin sa lungsod ng Bayugan sa lalawigan ng Agusan del Sur.

Kinilala ang biktima na si Brgy. Capt. Rogelio Estodillo ng Barangay Katipunan sa naturang lungsod.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, lulan sina Estodillo, ang asawa nitong si Flordeliza at anak na si Felden sa isang pick-up nang harangin sila ng mga suspek sa Barangay Osmeña, Bayugan City, Agusan del Sur hatinggabi ng Martes at sapilitan silang pinababa sa kanilang sasakyan.

Matapos makuha ang P20,000 mula kay Flordeliza ay binaril ng mga salarin sa tuhod at ulo ang biktima na kaagad namang ikinamatay nito.

Ayon kay Supt. Martin Gamba, spokesman ng CARAGA PNP, kaagad umalis ang mg suspek at hindi naman sinaktan ang mag-ina.

Patuloy ang ginagawang follow-up operations ng kapulisan para sa dagliang pagkakahuli ng mga suspek.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply