Barangay volunteers bibigyan ng benepisyo

INAPRUBAHAN ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang “Barangay Volunteer Workers’ Benefit Act” upang palakasin at dagdagan ang kahusayan ng mga barangay volunteer tungo sa epektibo nilang pagtatanggol sa kapayapaan at kaligtasan ng komunidad.

Ang House Bill No. 5228 ay magbibigay ng allowances sa barangay volunteers na hindi bababa ng P1,500 kada buwan na kukunin sa pondo ng barangay, mula sa 80% ng taunang Internal Revenue Allotment.

Ayon kay Rep. Loreto Leo Ocampos (2nd Disrict, Misamis Occidental) sakop ng panukala ang lahat ng miyembro na accredited civilian volunteer organization (CVOs) at lahat ng volunteer na tumutulong sa kapayapaan ng komunidad.

Sa inaprubahang batas, malinaw na itinatakda ang kwalipikasyon ng barangay volunteer at pinapayagan ito na magpatuloy sa gawaing pangkomunidad, at ang kanyang pagtupad sa tungkulin ay kapuri-puri ng opisyal ng Barangay.

Sa ilalim ng panukala, pangangasiwaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), National Barangay Operations Office (NBOO), National Liga ng mga Barangay at Civilian Volunteer Organizations (CVO) ang rules and regulations para ito ay maayos na maipatupad.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply