Barrera pupusta kay Pacquiao

KAHIT kababayan si Juan Manuel Marquez, naniniwala si three-division champion Marco Antonio Barrera na hindi ito mananalo kay Manny Pacquiao.

Si Barrera ay kasalukuyang nasa Las Vegas para ikober ang laban.

Naniniwala siya na hindi tatagal si Marquez sa Pambansang Kamao.

Ang Mehikano rin ang nagkober sa Toshiaki Nishioka-Rafael Marquez bout.

Ayon sa tinaguriang ‘Baby Faced Assassin’, pupusta siya na si Pacman ang mananalo laban kay Marquez sa November 12th na laban ng dalawa sa MGM Grand.

Kilala ni Barrera si Pacman dahil minsan na siyang pinatulog nito sa pamamagitan ng 11th round TKO noong November of 2003 at sa pamamagitan ng unanimous decision noong October 2007 habang nagtamo naman siya ng competitive points loss kay Marquez ng taon ding iyon.

Maglalaban ang dalawa sa catch weight na 144 pounds para sa WBO welterweight title ng Pambansang Kamao.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply