Bataan nuclear power plant binuhay ng isang grupo

HINILING ngayon ng Save the Nation Movement na muling buhayin ang panawagang paggamit sa Bataan Nuclear Power Plant.

Ayon kay Engr. Lemy Roxas, lead convener ng grupo, na makakukuha ang pamahalaan ng pinakamurang kuryente sa pamamagitan ng pagpapaandar sa Bataan nuclear power plant.

Binigyang-diin ni Roxas na malaki ang matitipid sa bunker fuel ng operasyon ng planta at aabot lang sa P2.20 ang halaga ng kada kilowatt hour ng kuryente.

Idinagdag pa ni Roxas na kung hindi mag-o-operate ang naturang planta, tiyak na magkakaroon ng serye ng brownout sa bansa.

Nabatid kay Roxas na nagkaroon ng technical visit ang save the nation movement sa Bataan nuclear power plant noong Marso 5.

Sumulat aniya sila kay Pangulong Benigno Aquino na nagrerekomenda na “safe to operate” ang Bataan Nuclear Power Plant subalit hanggang sa ngayon ay wala pa ring tugon dito ang Punong Ehekutibo.

Sa kasalukuyan ay naglalaro na sa P10.52 pesos ang presyo ng kada kilo watt hour ng kuryente sa bansa, ika-lima sa pinakamahal sa mundo. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply