Batang media at mga martilyo gang

NANG magkaroon ng tinatawag na “ground breaking” o pagtatanim ng panulukang bato para sa proyektong pabahay ng National Press Club sa Barangay Tibag, Pulilan, Bulacan, ipinaliwanag ni kasamang Benny Antiporda na magiging matibay at maganda ang mga tahanan.

Ang bahay ay magiging mas matagal at mas matatag kaysa sa buhay ng mediamen na ngayo’y peborit na target ng mga hinayupak na masakerista at riding in tandem na karaniwang sangkot o tauhan ng mga may kabalbalang inieekspos ng mediamen.

Tama lang ang proyektong ito at pinasasalamatan natin ang liderato ng NPC, gaya ni NPC president Jerry Yap at mga direktor at opisyal nito, siyempre pa, kasama si Bosing Benny, at iba pa na nagtutulong-tulong para sa ikatutupad ng pangarap na tahanan ng mga batang media.

Sa totoo lang, marami sa atin ang nakatira o nangungupahan sa mga lugar na maya’t maya ay binubulabog ng mga martilyo gang ng mga sheriff.

oOo

Naalaala tuloy natin ang mga proyektong pabahay ng mga developer na umuubos sa pondo ng Social Security System, Government Service Insurance System, PAGIBIG at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Yung mga low cost housing lalo na.

Minsan tayong niyaya na manood sa mga ginagawang low cost na bahay.

Nagulat tayo, Suki, sa ating mga nakita. Aba, kasing-papayat ng sigarilyo ang mga bakal para sa mga haligi, napakarurupok ang mga haloblak, halos walang laman ang mga butas ng haloblak at marami pang piktyur ng substandard na materyales at paggawa.

Hindi nakapagtataka na sinasabing kung may lindol, ang mga low cost housing ang mauunang matumba at mawasak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply