Bayambang chief of police, misis niratrat ng manugang

KAPWA nabistay ng bala ng armalite ang hepe ng pulisya ng Pangasinan town at ang misis nito nang ratratin ng kapatid ng hepe ng pulisya ng Alaminos City kaninang umaga.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mag asawang sina Police Supt. Llloyd Millan, Bayambang police chief at ang asawa nitong si Cherryl.

Ikinasa na ng Alaminos police ang pagtugis para panagutin sa double murder case ang suspek na si Lyndon Saltat, kapatid ni Police Supt. Rolly Saltat, hepe ng pulisya ng Alaminos, Pangasinan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 9 ng umaga sa loob mismo ng Pandan barangay hall sa Alaminos.

Ayon kay Supt. Saltat, bago ang pamamaril ay nagkasundo ang kanyang kapatid na si Lyndon at ang mag-asawang Millan na magkita sa naturang barangay hall para ayusin ang pinag-aawayang lupa at salt farm na nasa Barangay Pandan.

Pero imbes makipag-ayos, dumating ang suspek na armado ng M16 armalite at basta na lamang pinaputukan ang nabiglang mag-asawa na nabatid na kapwa in-laws ng suspect.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply