Bebot, 2 pamangkin kritikal sa selosong lover

KRITIKAL ang isang ginang at dalawang pamangkin nang pagsasaksakin ng selosong ka-live-in ng una sa Caloocan City Linggo ng gabi, Oktubre 30.

Inoobserbahan sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Edwina Borromeo, 41 at mga pamangkin na sina Angelica Ibag, 17 at Jasper Cabinte, 4 pawang ng Phase 6, Camarin, nasabing lungsod.

Nadakip naman si Constancio Antillon Jr., 35.

Sa ulat, alas-11:30 ng gabi, nagtatalo ang mag-live-in sa loob ng kanilang bahay dahil may pinagseselosan ang suspek.

Inihagis ng biktima ang mga damit ng suspek sa labas ng bahay at nakiusap na layuan na ni Antillon.

Umalis naman si Antillon, subalit makalipas ang ilang sandali ay nagbalik na may dalang patalim at pinagsasaksak ang mga biktima.

Matapos ang insidente ay dinala ang mga biktima sa ospital habang nadakip naman ang suspek ng mga pulis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply