Bebot ginulpi ng live-in partner

BASAG ang panga at puno ng pasa ang buong katawan ng isang 23-anyos na babae matapos gawing punching bag ng kanyang live-in partner sa barangay Tipolo, Mandaue City .

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Hermie Gonato, tubong Leyte na isinugod sa Mandaue City Hospital subalit inilipat sa Don Vicente Sotto Medical Center dahil sa tindi ng pinsalang inabot sa kamay ng kanyang live-in partner na kinilalang si Reden Aviles, 38, na inaresto ng mga rumespondeng pulis .

Ayon sa ulat ng pulisya ,nangyari umano ang insidente sa inuupahang silid ng dalawa kung saan sila nakatira noong pang 2009. Inutusan ng suspek ang biktima na bumili ng pagkain sa palengke at binigyan niya ito ng P1,000. Nang bumalik ang babae ay iniabot nito ang sukli na P50 pesos sa suspek na nagalit ng malamang iyon na lamang ang natira sa kanyang pera.

Dito na sinimulang gulpihin ng suspek ang ka-live in na hindi tinigilan kundi pa tumawag ng mga pulis ang kanilang mga kapitbahay. Isinugod naman ng mga ka-boardmate ang biktima ng makita ang kalagayan nito na duguan ang mukha at hindi makagulapay sa hirap na tinamo sa kamay ng live-in partner.

Sinabi ni PO1 Girlee Nadera ng women’s desk ng Subangdaku Police, kakasuhan si Aviles ng physical injuries at pang-aabuso sa kababaihan. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply