Bebot sinakal, sinaksak bago isinako

PINAGKASYA sa sako ang isang babaeng may marka ng sakal at saksak sa leeg na itinapon sa Paco, Maynila kagabi.(Oktubre 2).

Inilarawan ang biktina na nasa edad na 30 hanggang 35, nakasuot ng blue dress at sapin sa paa.

Sa report ni PO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 11;45 kagabi ng itawag sa kanilang tanggapan ang insidente.

Nabatid na isang basurero ang nakadiskubre sa nasabing sako.

Sa akalang mapakikinabangan pa ang sako ay binuklat ito ng basurero at nagulat nang makitang bangkay ng isang babae ang nasa loob nito.

Sa imbestigasyon, may marka sa leeg ng biktima na indikasyon na ito ay sinakal. May saksak din ang bangkay sa leeg.

Teorya ng pulisya na may kinalaman ang biktima sa “droga” kaya ito ay pinatay.

Gayunman, patuloy ang imbestigasyon na naturang insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply