Belmonte naniniwalang hindi tatakas si GMA

MALAKI ang tiwala si House Speaker Sonny Belmonte na babalik din sa bansa si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sakaling pumunta ito sa ibang bansa para magpagamot ng kanyang karamdaman.

Sa isang press conference ngayon, sinabi ni Belmonte na malaki naman ang kanyang kumpiyansang uuwi si GMA sa oras na mabuti na ang kanyang kalagayan.

Dagdag pa ni Belmonte kung hindi uuwi sa Pilipinas ang dating Pangulo ay para na nitong pinatunayan at inamin na guilty siya sa mga bintang at mga kasong isinampa laban sa kanya.

Paliwanag ni Belmonte, ang nilalaman ng tatlong travel authority para kay Ginang Arroyo ay nagsasaad ng kanya sanang pagbisita sa New York para sa Clinton forum at medical consultation naman sa Switzerland, Germany at Portugal.

Kaugnay nito, bunsod ng hindi magandang karamdaman ng dating Pangulo ay hindi nito nagawang puntahan ang inaprubahang travel authority mula Setyembre 6 hanggang Oktubre 11.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply