Benepisyo ng mga manggagawang seklista, isinusulong sa kamara

ISINUSULONG ni Pampanga Rep. Carmelo Lazatin ang isang panukala na magbibigay ng benepisyo sa mga manggagawang gamit lamang ang kanilang mga bike para pumasok sa trabaho.

Ayon sa House Bill No. 5335 o ang tatawaging “Bicycle Use Act of 2011″, dapat umanong bigyan ng mga employers ng palugit ng 30 minute ang mga manggawang gumagamit ng bike bago sabihing late ang naturang empleyado.

“The government lacks a serious program to promote bicycle use despite the many benefits it brings not only to health but to the economy and environment as well,” ayon kay Rep. Lazatin.

Sang-ayon naman ang palasyo sa pagbibigay ng bike lanes sa mga pangunahing lansangan. Subalit ayon sa MMDA kailangan pa nilang pag-aralan ang mga magiging rota ng mga bikers.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply