Benepisyo sa 19 nautas na sundalo tiniyak ng AFP

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mabibigyan ng benepisyo ang pamilya ng 19 na sundalong namatay sa naganap na bakbakan sa Al-Barka, Basilan noong Martes (Oktubre 18).

Ayon kay Army Spokesperson Col. Antonio Parlade Jr., makatatanggap ng halos P500,000 ang bawat pamilya ng 19 na sundalong nagbuwis ng buhay sa gitna ng laban.

Aniya, manggagaling ang P250,000 sa Office of the President habang P200,000 ang magmumula sa Philippine Army depende pa sa haba ng serbisyo.

Siniguro rin ni Parlade ang scholarship para makapag-aral ang mga anak ng mga nasawi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply