Bentahan ng dugo ng Pinoy OFWs sa Saudi iimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakarating sa kanilang ulat kaugnay sa pagbebenta ng dugo ng undocumented Overseas Filipino Workers (OFW) sa Saudi Arabia.

Bunga nito, nais mabatid ng kagawaran kung ano ang katotohanan sa nasabing isyu at para na rin matulungan ang mga OFW.

Nabatid na nagkakahalaga ng 300 rial o P3, 000 bentahan ng dugo sa mga undocumented OFW.

Matatandaang kinumpirma ng Migrante International na mayroon ngang ganitong gawain sa nasabing bansa subalit batay naman sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Employment Agency (POEA) wala pa silang natatanggap na ganitong report.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply