Bentahan ng kidney at iba pang organ tutuldukan

ISINULONG ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang isang panukalang paglikha sa ahensya ng regulasyon ukol sa organ donation maging ito man ay mula sa bangkay o buhay.

Sa kanyang House bill 5390, ipinanukala ni Rodriguez ang paglikha sa Philippine Network for Organ Sharing Corporation (PHILNOS) na magsisilbing “central coordinating body” para sa lahat donasyon ng kidney at iba pa.

Tinukoy ni Rodriguez ang 2008 Declaration of Istanbul on Organ Trafficking and Transplant Tourism  na humihikayat sa gobyerno na magsagawa ng maayos na sistema sa “deceased organ donation” at lumikha ng mga batas para sa ganitong aktibidad sa pakikipagtulungan na rin ng medical experts, non-governmental organizations at professionals.

Ang pangunahing gagawin aniya ng ahensya ay impormahan ang publiko ukol sa kahalagahan ng libre at kusang pagkakaloob ng organ sa mga nangangailangang pasyente at hindi ito dapat ituring na parang produkto na kailangang ibenta.

Nitong nakaraang taon lamang ay tinangka ng Department of Health (DOH) na lunasan ang iligal at talamak na bentahan ng kidney at iba pang organ subalit nananatili pa ring hindi ito nasusulosyunan.

“Despite the enactment of the Organ Donation Act of 1991 and the subsequent issuance of Administrative Orders, the potential of the use of deceased donors has yet to be fully utilized,” ani Rodriguez.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply